Asian Academy Creative Awards UpdatePress Releases

By: Glenn Regondola

Kapuso actress Kyline Alcantara on attending the Asian Academy Creative Awards: “Sobrang saya po kasi iba’t ibang representatives mula sa ibang countries ang na-encounter ko dun. Iba’t ibang kultura at nakita ko po sa pananamit nila kung saang nation sila galing.”

SINGAPORE—Um-attend si Kyline Alcantara sa kauna-unahang Asian Academy Creative Awards na ginanap sa Capitol Theatre noong Biyernes ng gabi, December 7.

Finalist ang 16-year-old Kapuso star sa kategoryang Best Actress in A Supporting Role para sa kanyang pagganap sa GMA-7 prime-time series na Kambal, Karibal.

Ang nanalo ay ang Taiwanese actress na si Candy Yang para sa Roseki.

Dumalo rin ang GMA executive na si Ms. Gigi Santiago-Lara para suportahan ang iba pang GMA artists na finalists; katulad nina Miguel Tanfelix (Best Actor in A Leading Role, Kambal, Karibal), Gabby Eigenmann (Best Actor in a A Supporting Role, Contessa), at Michael V (Best Comedy Performance, Bubble Gang), kasama ang program manager ng Kambal, Karibal na si Ms. Camille Hermoso.

Kinabukasan, December 8, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kyline habang namamasyal siya sa Universal Studios.

Kinumusta namin ang kanyang karanasan sa awards night at ang unang experience niya sa abroad.

Pahayag niya, “Sobrang saya po kasi iba’t ibang representatives mula sa ibang countries ang na-encounter ko dun.

“Iba’t ibang kultura at nakita ko po sa pananamit nila kung saang nation sila galing.

“Hindi ko alam kung ano ang gagalawin ko dun, dahil hindi po talaga ako sanay, lalo na nga po red carpet po siya na parang kinakapa-kapa ko kung ano ang ikikilos ko.”

Patuloy niya, “Hindi man po natin nasungkit yung award, pero yung experience, wow, it’s once in a lifetime na hindi ko po alam kung mauulit pa.

“Super proud na rin po ako dahil naging presenter pa kami ni Kuya Gabby.”

Nasaktan ba siyang hindi niya nakuha ang award, lalo na’t dumayo pa sila?

Tugon ni Kyline, “Hindi naman po.

“Pero kahit kinakabahan ako before the announcement, siyempre po, relax lang ako.

“No expectations ako dahil ibang level naman po ito.

“Ang pinakaimportante ay nari-present namin ang ating country

“Sinuportahan talaga kami ng GMA, at pakiramdam ko, marami naman po ang naka-appreciate sa naging participation namin at nakita rin nila na magagaling ang artists sa ating bansa po.”

Tinapos daw talaga nila ang awards night na “on the dot” nagsimula, kung saan manghang-mangha si Kyline sa ibang Asian actresses na isa man sa kanila ay hindi niya kilala dahil bihira siyang makapanood ng TV shows sa ibang bansa.

Source: https://www.pep.ph/guide/tv/28924/kyline-alcantara-relates-once-in-a-lifetime-experience-at-asian-academy-creative-awards

JOIN OUR MAILING LIST FOR MORE NEWS & UPDATES