By: Marah Ruiz
Ilang mga programa at artista ng GMA Network ang nakasungkit ng panalo sa national stage ng Asian Academy Creative Awards.
Para sa mga hindi nakakaalam, binibigyan parangal sa Asian Academy Creative Awards ang husay sa content creation at media production.
According to its website and social media channels, The Asian Academy Creative Awards has been “established to serve the creative industries as the pinnacle of their achievement in content creation and media production.
The AAA also honors “excellence in craft and technical disciplines across multiple platforms including television, digital, streaming and emerging technologies.”
Napiling may Best Promo or Trailer ang hit GMA Telebabad show na Inday Will Always Love You.
Best Immersive (360, VR) naman ang Inside Marawi: A Report on 360 Video by Raffy Tima.
Hinirang namang Best Children’s Animated Program or Series ang Daig Kayo ng Lola Ko.
Best News Programme naman ang State of the Nation with Jessica Soho: Marawi Liberation-War Is Over, habang Best News or Current Affairs Presenter si Jessica Soho para dito.
Nasungkit naman ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang pagkilala bilang Best Infotainment Programme.
Best Current Affairs Programme or Series naman ang i-Witness: War Zone ER habang Best Single News Story/Report ang exclusive report ng 24 Oras sa rescue ng hostages sa Marawi.
Nakuha din ng Philippines Seas ang Best Documentary Programme (One-off/Special).
Kinilala naman bilang Best Telenovela/Soap ang GMA Afternoon Prime hit na Ika-6 Na Utos.
Si Kyline Alcantara naman ang napili bilang Best Actress in a Supporting Role para sa kanyang pagganap sa Kambal, Karibal, habang nakuha naman ni Gabby Eigenmann ang Best Actor in a Supporting Role para sa role niya sa Contessa.
Hinirang na Best Comedy Programme ang Pepito Manaloto, habang napili din na Best Comedy Performance ang pagganap ng lead star nitong si Michael V.
Nasungkit naman ng The Clash ang pagkilala bilang Best Music or Dance Programme.
Si Miguel Tanfelix naman ang hinirang na Best Actor in a Leading Role para sa pagganap niya sa Kambal, Karibal.
Ang mga national winners na ito ang magiging finalists para sa Asian Academy Creative Awards Gala.